TRABAHO. Pag-unlad. Yaman. Pangarap. Kaibigan. Mga simpleng salita ngunit sumasaklaw sa malaking bahagi ng lipunan.
Paano nga ba naisusulat ang mga salitang “empleyado at sweldo?” Sino pa nga bang makalilirip sitwasyong iyong pinagdaraanan. Ang mga munting pangarap na matagal mong kinpkip at pinaggugulan ng maraming taong pag-aaral? Sa paanong paraan nga ba nailalarawan ang saya at dusa? At kung kailan nga ba nararapat huminto sa pag-andar ang de-makinang pangarap? Saan nga ba maaaring ilapat ang mga bantas at panandang TULDOK AT KUWIT?
Tatlong taon, walong buwan.
Sa mabilis na pagpapalit ng mga dahon ng kalendaryo, hindi ko namalayang, ganito na pala ako katagal nakikibaka sa mga taong ni minsan ay hindi ko man lamang nakita; nakikibaka sa mga prosesong itinatak sa aking isip mula pa noong unang araw ng pagsasanay; pakikibaka sa gabi-gabing paggising at pakikipag-patintero sa oras ng trabaho. Higit sa lahat, pakikibaka sa isang mundong, ni minsan, ay…
View original post 1,584 more words